Memory Served: 21 August 2013 and 2016, Las Pinas and Manila
Much speculation in the last few days whether the government declared Eid Al Adha holiday on 21 August to downplay their intent on ignoring commemoration of the death of former Senator, Martial Law victim and hero Benigno Aquino Jr. Reportedly, other ASEAN neighbors were observing Eid on the 22nd.
I take it as personal duty to observe Ninoy's death anniversary, someone I came to know as a deceased person, but whose death event awakened something in me. Something I wrote on Facebook on this day in 2013:
Ang hirap magbigay ng angkop na pag-alaala sa isang tao na una kong nakilala bilang isang bangkay na nakahandusay sa tarmac ng airport, naliligo sa sarili nyang dugo. Ang hirap kapag pagbabalik-tanaw na lang ng mga tao sa paligid ko ang naging batayan sa pagkilala ko sa kanya... tulad na lamang ng marahang usap-usapan ng mga nakakatanda habang pinapanood namin ang isang betamax tape ng kanyang mahabang talumpati sa isang unibersidad sa US. (Isang betamax tape na hindi ko mabilang kung ilang beses nang palihim na pinag-pasa-pasahan.) Ang hirap kapag mga epekto lamang ng kanyang pagkamatay ang mas mariing nakatatak sa aking murang isipan: na habang nanonood sa brodkast ng kanyang libing, unti-unti ko pa lamang napapagtanto na puwede pala hayagang punahin ang pamamahala at pinuno ng ating bansa. Na puwede pala mag-asam at mag-ingay na mapalitan ang pamamahala ng ating bansa. Ang hirap. Pero ang mga ito lamang ang nasa king alaala.
No comments:
Post a Comment